P14-B PENSION FUND NG MILITARY RETIREES APRUB NA

INAPRUBAHAN na ng Department of Budget and Manage­ment (DBM) ang P14,025,351,666 na pondo para sa regular pension ng military retirees.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang naturang pondo sa ilalim ng Special Allotment Release Order (SARO) ay ipapalabas na sa Department of National Defense.

Ang Notice of Cash Allocation (NCA) ay sumasakop sa pension mula January hanggang March 2023.

Sinabi ni Pangandaman, responsibilidad ng gobyerno na tiyaking makukuha ng mga retiree ang mga benepisyong para sa kanila gayundin sa kanilang pamilya.

“It is our responsibility to make sure that our retirees, as well as their families always get the benefits entitled to them. Malaking tulong ‘yan sa kanila. Matagal na panahon silang nagsilbi para tulungan at protektahan ang ating bayan. This is the least we can do to show them our sincerest gratitude and respect,” ayon kay Pangandaman.

Hanggang nitong nakalipas na December 31, nasa halos 138,000 pensioners na ang pasok sa buwanang pension requirement sa unang quarter ng taong ito. EVELYN QUIROZ