P14-B PINSALA NI ‘OMPONG’ SA AGRI

Agriculture Secretary Emmanuel Piñol-2

UMABOT sa P14 billion ang pinsala ng bagyong Ompong sa agrikultura, ayon sa paunang pagtaya ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na natamo ng sektor ng agrikultura ang P14.27 bilyong pinsala sa mga pananim,  paghahayupan at imprastruktura.

Nasa 553,704 ektarya ng agricultural areas  ang iniulat na naapektuhan, na may production loss na 731,294 metric tons.

“The increase in the overall damages and losses are attributed to the reports in Regions CAR (Cordillera Administrative Region) and II (Cagayan Valley) particularly in rice, corn, high-value crops, and livestock,” wika ni Piñol.

Karamihan sa pinsala o 62.82 percent ay sa rice sector. May 435,997 MT ang naitalang production loss, na katumbas ng P8.97 billion, o 8.64 araw ng rice consumption ng bansa.

“Most of the affected rice crops were reported to be partially damaged and were on reproductive stage affecting a total of 212,491 farmers,” ayon sa DA.

Kabilang sa mga lalawigan na labis na naapektuhan ay ang Nueva Ecija sa Region III na may P2.84 billion losses, at Cagayan na may P2.77 billion.

Ang losses sa corn crops ay umabot sa P4.50 billion kung saan may kabuuang 148,587 ektarya na may 281,039 metric tons ng commodity ang na-wash out.

“Most of the affected crops were in their reproductive stage, which was reported as partially damaged,” ani Piñol.

May P788.13 milyong hala­ga ng high-value crops ang na­pinsala sa 7,913 ektarya sa CAR at sa mga lalawigan ng Rizal, Cagayan at Isabela.

“Livestock losses totaled P5.51 million, while the damage to irrigation facilities amounted to P15.72 million—including small-water impounding projects, impounding dams, and spillways in Ilocos Norte.”

Comments are closed.