NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ngayong araw sa Central Mail Exchange (CMEX) sa Pasay City ang umaabot sa P14 milyong halaga ng shabu at P1.496-M ng party drugs na galing sa Amerika, Thailand, Pakistan at Africa.
Ayon kay Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Customs District Collector Mimel Talusan, dumating ang mga parsel ng magkakaibang petsa nitong mga buwan ng Mayo at Hunyo ng taong kasalukuyan.
May 2,017 gramo ng shabu ang nasabat galing sa Thailand, na itinago ng nagpadala sa isang ‘foot calf massager, habang ang shabu na galing sa Africa ay inilagay sa loob ng imahe ng Virgin Mary at ang droga na galing sa America ay itinago naman sa loob ng envelope na kasama sa sulat.
Ang 69,870 tabletas na Valium at Mogadon ay nakalagay sa isang parcel na kasama sa mga ipinadalang damit at mga laruan na galing pa sa bansang Pakistan.
Nakita rin sa package ang Mogadon at 48 oil ampules at 12 piraso ng canabis/marijuana na nakasilid sa maliliit na plastic at ideklarang mga boxing gloves at football jersey.
Batay sa rekord ng Bureau of Customs, ang shabu ay ipadadala sa magkakaibang consignee patungong Caloocan City, Angeles City at Ilocos Norte habang ang Valium at Mogadon ay para sa Cotabato City, at ang marijuana ay para naman sa Las Piñas City.
Ang nasabing illegal drugs ay agad na inilipat sa kamay ng mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) para sa masusing imbestigasyon at matukoy ang mga consignee ng mga ito. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.