CAVITE – AABOT sa P14 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa 20 drug peddlers sa isinagawang magkakahiwalay na anti-drug operation ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA 4A) sa lalawigang ito kamakalawa ng madaling araw.
Kinasuhan at kasalukuyang nakapiit sa custodial center ang mga suspek na sina Linard “Kite” Hintay, 29, ng Brgy. Malainen Bago sa Naic; John Jordan “Tisoy” Dizon, 31, ng Villa Apolonia Subd. sa Brgy. Ibayo Silangan, Naic; Hendrix John Abella, 27, ng Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna; Nilane “Bibe” Billones, 24, ng Tropic Village, Pabahay 2000 sa Brgy. San Francisco, General Trias City; Erwin Villanueva, 22, ng Brgy. Osorio, Trece Martires City; Gabino Mintu, 46, ng Brgy. Biga, Tanza; Warren “Wasik” Lungcay, 29, Brgy. Punta 1, Tanza; Michael Gatdula, 43; Marlon “Alon” Nar-dina, 24, ng Brgy. Sanja Mayor, Tanza; at si Ronnel “Nell” Victoria, 45, ng Pura Ballesteros St., Brgy. 58M, Cavite City.
Nasakote rin sa anti-drug operation ang iba pang suspek na sina Resty “Kuya-T” Canoy, 37; Brian Loresto, 37; Jonathan Francisco, 37; Luis Cabon-tagon, 45; Rosemarie Lumanlan, 40; Marjorie Bacit, 26; Nafaillah Esmael, 26; Aclemah Esmael, 30; Mohair Amerol, 23, pawang nakatira sa Brgy. Date Esmael, Dasmariñas City; at si Alyas Dagul ng Brgy. Luzviminda I, Dasmariñas City.
Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, sina Nafaillah, Aclemah at Mohair ay itinuro ni Bacit na supplier ng shabu kaya iki-nasa ang drug operation sa bahagi ng Brgy. Datu Esmael.
Si Bacit ay nasakote sa bahagi ng Brgy. Anabu ID sa Imus City kung saan nasamsam ang isang plastic sachet ng shabu habang sa tatlo naman ay limang plastic sachets ng shabu at marked money.
Ayon pa sa police report, si Dague ay nakumpiskahan ng 5 plastic sachets na shabu at marked money.
Samantala, sina Canoy, Loresto, Francisco, Cabontagon at Lumanlan ay naaresto sa bahagi ng MaryCris Compound sa Brgy. Pasong Camachille I sa General Trias City kung saan nasamsam ang 10 plastic sachets ng shabu.
Ayon pa sa ulat, sinasabing may kabuuang P14 milyong halaga na street value ang shabu na nakumpiska sa mga suspek. MHAR BASCO
Comments are closed.