P145.5-B PRODUCTION SUBSIDY SA FARMERS, FISHERFOLK HINILING

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

HUMIHIRIT ang  Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ng P145.5-billion subsidy para sa  9.7 million local farmers, agricultural workers, at fisherfolk upang tulungan silang maipagpatuloy ang produksiyon sa gitna ng COVID-19 crisis.

“Ang mungkahi namin una ay agricultural production. Isama po sa mga prayoridad na stimulus package ang pagpapalawak at pagpapataas ng produktong agrikultura,” wika ni KMP chairperson Danilo Ramos sa pagdinig ng Senate  committees on finance and economic affairs.

Ani Ramos, nasa P15,000 subsidy bawat benepisyaryo ang ilalaan para sa kabuuang P145.5 billion.

Binigyang-diin niya na maliit na halaga ng ayuda lamang mula sa Department of Agriculture (DA) ang napupunta sa mga magsasaka at mangingisda.

“Ang malaki po ay para sa marketing at urban gardening. Eh hindi naman po lingid sa inyo na napakahalaga pong paunlarin natin ang produksiyon,” aniya.

Bukod sa production subsidy, ipinanukala rin ni Ramos  ang pagkakaloob ng two-month cash assistance para sa sektor na nagkakahalaga ng  P10,000 bawat benepisyaryo o kabuuang P194 billion.

Comments are closed.