SA KABILA ng pandemya ay nakakolekta ng P147.78 bilyong duties and taxes ang Bureau of Customs (BOC) sa mga kompanya ng langis mula Setyembre 2019 hanggang Disyembre 31, 2020.
Ito ay bunsod ng sinasabing malaking pagtaas sa volume declaration ng gasolina, diesel at kerosene ng mga kompanya ng langis na dumarating sa iba’t ibang port sa bansa.
Batay sa report, katuwang ng BOC ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at mga kasama nitong SGS Philippines at SICPA-SA sa pagpapatupad ng Fuel Marking Program magmula noong 2017.
Sa datos ng BOC, nangunguna ang diesel sa volume declaration na umabot ng 61.54 percent ang total volume, sumunod ang gasolina na msy 37.93 percent at kerosene na may 0.53 percent.
Batay sa record ng BOC, ang P147.78 bilyong duties and taxes ay galling sa Petroleum Corp. , Unioil Petroleum Philippines, Inc., Seaoil Philippines, Inc.,Chevron Philippines, Inc., Phoenix Petroleum, Insular Oil, Total, Filoil, Jetti, PTT, Marubeni, Micro Dragon, Warbucks, Golden Share, High Glory Subic, ERA1, SL Harbor, Jadelink, SL Gas, Powerfill at Petrotrade.
Comments are closed.