P15.3 M MARIJUANA PLANTS SINUNOG

LA TRINIDAD- TINATAYANG aabot sa P15.3 milyong halaga na marijuana plants ang sinunog makaraang salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang pitong plantasyon sa kabundukan ng Benguet at Kalinga sa loob ng tatlong linggong marijuana eradication operations.

Ayon kay Cordillera police director Brig. Gen Rwin Pagkalinawan, nadiskubre ng mga operatiba ng pulisya ang plantasyon sa bayan ng Kibungan, Benguet na may 5,170 fully-grown marijuana plants at 16.37 kilong pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P2,988, 400.00.

Samantalang nadiskubre rin ang 29,200 fully-grown marijuana plants at 36.33 kilong pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P10,199,600.00 makaraang salakayin ang ilang lugar sa kabundukan ng Brgy. Kayapa, bayan ng Bakun sa Benguet.

Isinagawa rin ang sunod sunod na marijuana eradication operations sa 2 plantasyon sa Brgy. Bacalan, Tinglayan, Benguet kung saan nadiskubre ang 10,800 fully grown marijuana plants na may value na P2,160,000.00.

Sinunog naman ang marijuana plants habang kumuha naman ng ilang samples para gamiting evidence tagging at inventory sa darating na panahon.

Base sa tala ng Cordillera PNP, sa pasimula pa lamang ng taong kasalukuyan ay aabot sa 19 marijuana eradication operations ang naisagawa kung saan umabot sa 149,040 fully-grown marijuana plants, 97.50 kilong pinatuyong dahon ng marijuana at 125 marijuana seedlings na nagkakahalaga na P40,737,000.00 ang sinunog upang hindi maipakalat pa ng mga drug traders. MHAR BASCO

Comments are closed.