P15.7-M HAZARD PAY SA PROVINCIAL EMPLOYEES IPINAMAHAGI

Matthew Marcos Manotoc

UMAABOT sa P15.7 milyong hazard pay ang ipinamahagi ng Ilocos Norte provincial government sa inisyatibo ni Governor Matthew Marcos Manotoc sa lahat ng mga kawani nito anuman ang kanilang employment status bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa basic government services sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ang nasabing halaga  na mula sa Supplemental Budget No. 3 at 4 ng provincial government ay nakalaan bilang payment of mandatory obligations sa COVID-19 hazard pay, at incidental expenses ng iba’t ibang tanggapan sa pamamagitan ng Provincial Appropriation Ordinance No. 025-2020 at Provincial Appropriatqion Ordinance No. 029-2020.

Ayon kay provincial budget officer Evangeline Tabulog, nabigyan ang lahat ng permanent, casual, at job employees mula sa PGIN, kabilang ang government hospitals. Ito ay simpleng pasasalamat ng provincial government sa mga empleyado para sa kanilang serbisyo, lalo na ngayong panahon ng pandemiya.

Bukod sa hazard pay, mabibiyayaan din ng Special Risk Allowance ang unidentified beneficiaries, base na rin sa Memorandum No. 2020-0153 ng Department of Health.

Sa nakalipas na taon, ang provincial government ay nakapaglaan na rin ng budget na P4 milyon mula s Supplemental Budget No. 5 ng  Magna Carta hazard pay kung saan nabiyayaan ang mga medical worker.

Lahat ng empleyado ng provincial government ay nakatanggap ng relief packs noong nakalipas na Mayo 2020.    MHAR BASCO

Comments are closed.