P15-K ALLOWANCE NG PULIS-MAYNILA PIRMADO NA

GOOD news sa lahat ng mga Pulis-Maynila at mga kawani.

Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na nilagdaan na niya ang pagpapalabas ng cash allowance na ibinibigay ng city government sa lahat ng mga pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD).

Pinasalamatan ni MPD chief Gen. Leo Francisco ang alkalde sa malasakit nito sa kanyang 4,400 mga tauhan.

Ayon kay Moreno, ang nasabing city allowance ay sakop ang uniformed at non-uniformed personnel ng MPD.

Ayon naman kay City treasurer Jasmin Talegon ang pagpapalabas ng nasabing pondo ay nangangahulugan na bawat isang miyembro ng MPD ay tatanggap ng P15,000.

Ang nasabing halaga ay kumakatawan sa kanilang monthly allowance na P2,500 at ito ay mula January hanggang June o dalawang unang kwarto ng taon.

Kapwa sila Moreno at Mayor-elect Honey Lacuna ay nagsabi na ang pagbibigay ng allowance ay ang paraan ng pagkilala ng local government ng Maynila sa ginagawa ng MPD sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa lungsod at pangangalaga sa kaligtasan ng mga residente ng Maynila…. VERLIN RUIZ