P15-M AYUDA NG DOH SA TYPHOON KARDING VICTIMS

DOH

MAYNILA – MAKARAANG bayuhin ang bansa ng sunod-sunod na bagyo na nagresulta sa pinsala sa mga kabahayan at pagbaha sa mga lugar sa Metro Manila, ay naglaan na ng higit P15 milyon pondo ang Department of Health (DOH) para sa mga biktima ng nagdaang bagyong Karding.

Ang nasabing P15,073,085.98 pondo ay inilaan ng DOH para sa pamamahagi ng mga gamot at iba pang supplies para sa mga regional office.

Habang ang P59,214,965.12 ay nakaantabay sa punong tanggapan para naman sa regional offices at DOH hospitals.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, naglaan din ng kabuuang P1,358,924.20  halaga ng tulong sa DOH-NCR, kabilang dito ang San Juan,  Marikina at lalawigan ng Rizal.

Itinaas na rin ang Code Alert sa mga ospital upang magsilbing giya ng mga health worker sa kanilang pagbibigay ng tulong.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa mga regional office upang malaman ang kalagayan ng mga apektadong residente.    PAUL ROLDAN

Comments are closed.