HUMIHINGI ng tinatayang 15 milyong pisong danyos ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa Xiamen Airlines.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, ito ay bilang bayad sa nagastos ng ahensiya sa equipment at manpower para maalis ang sumadsad na Xiamen Air Flight MF866.sa runway ng NAIA. Gumastos ang MIAA ng P4 milyon para sa crane na bumuhat sa Boeing 737 aircraft.
Sinabi ni Monreal, inisyal pa lamang ang nasabing halaga at posible pang madagdagan ang multa ng Xiamen Airlines oras na matapos na ang imbestigasyon sa insidente.
Hindi pa aniya kasama rito ang nawalang kita ng paliparan.
Dagdag ni Monreal, maaari ring magsampa ng hiwalay na reklamo ang ibang airline companies maging ang mga pasahero laban sa Xiamen Air na naging dahilan ng pagka-delay ng maraming flights at pagka-stranded ng libo-libong pasahero.
Comments are closed.