P15-M SHABU NAHARANG SA NAIA

NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) sa loob ng FEDEX warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang dalawang shipments ng shabu na tinatayang aabot sa mahigit sa P15 milyon ang halaga.

Ayon sa report ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa NAIA at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang mga naturang droga ay nagmula sa Malaysia, at naka-consign sa isang taga- Laguna at taga-Batangas.

Batay sa pahayag ng Customs examiners, at PDEA agents, ang 2,300 gramo ng shabu ay binalot sa mga damit na ipinadala ng shipper sa dalawang consignee sa residente ng dalawang munsipyo sa Southern Luzon.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, ang unang dumating ay ang 1,133 gramo ng shabu, at naka-consign ito sa taga- Laguna, at sumunod naman ang 1,167 grams na naka – consign sa taga- Batangas.

Idineklara ng mga ito bilang mga damit, ngunit sa physical examination na isinagawa ng BOC examiner ay nadiskubre na methamphetamine hydrochloride o tinatawag na shabu ang natagpuan sa loob ng mga damit.

Iniimbestigahan ng mga tauhan ng PDEA ang mga taong responsable rito dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 (Republic Act No. 9165) na may kaugnayan sa Section 119 (Restricted Importation) at Section 1401 (Unlawful Importation) ng Republic Act No. 10863 o tinatawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Froilan Morallos

6 thoughts on “P15-M SHABU NAHARANG SA NAIA”

  1. 667220 18201Nice post. I be taught one thing a lot more challenging on entirely different blogs everyday. It will all the time be stimulating to learn content from other writers and apply slightly 1 thing from their store. Id desire to use some with the content on my weblog whether you dont mind. Natually Ill give you a hyperlink on your net weblog. Thanks for sharing. 68142

Comments are closed.