(P150 daily pay hike itinutulak sa Senado)SAHOD NG MGA PINOY GAWING ‘LIVING WAGE’

Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri

IGINIIT ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat maging ‘living wage’ ang minimum wage ng mga manggagawang Pilipino upang matiyak na kaya nitong bumuhay ng pamilya.

“Ang living wage na sahod para makabuhay ng isang pamilya sa isang araw nang disente.‘Yung disente kasi ngayon naghahabol sila ng pambayad sa koryente, pambayad sa tubig, pambayad sa kanilang mga pagkain. Tumaas pa ang presyo ng koryente, tumaas ang presyo ng langis so talaga pati ‘yung binabayad natin sa public utilities tumaas na rin kaya hindi na po nila nararamdaman ang kanilang mga suweldo,” pahayag ni Zubiri.

Naghain si Zubiri ng panukala na dagdagan ng P150 ang daily minimum wage ng private sector workers sa buong bansa.

Naniniwala siya na kayang maabot ito, lalo na sa business sector, upang mapabuti ang pamumuhay ng mga Pilipino sa kabila ng inflation.

“Kaya ang akin po is P150 across the board. Right now, ngayon po P570 po ang daily wage ng non-agricultural workers dito sa Metro Manila, kung daragdagan mo ng P150 that’s about P720.”

Paliwanag niya na ang inflation ay nararamdaman sa buong bansa kaya kailangan ng kaunting wage increase.

LIZA SORIANO