P150-M ‘DI REHISTRADONG FACE MASKS AT FACE SHIELDS NAKUMPISKA NG BOC

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang may P150 milyong halaga ng mga hindi rehistradong personal protective equipment (PPE), gayundin ang mga pekeng luxury clothing, beauty products, at mga laruan, sa isang operasyon na bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa smuggling at counterfeiting.

Mismong si Alvin Enciso, hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), ang nanguna sa operasyong isinagawa sa isang storage facility sa Binondo, Manila nitong Miyerkoles.

Ayon kay Enciso, ang mga naturang goods ay tinatayang nagkakahalaga ng P150 milyon, base na rin sa inisyal na imbentaryo na isinagawa rito sa pangunguna ng Customs examiner at sinaksihan ng CIIS, Enforcement and Security Service (ESS), at ng Philippine Coast Guard (PCG).

“In our initial inspection, we found boxes of cosmetic and beauty products, unregistered Aidelai face masks, Heng De face shields, clothing, toys, cellphone cases, and many others,” ulat ni Enciso.

Tiniyak rin niya na aalamin ng ahensiya ang kabuuang halaga ng mga goods para sa posibleng paghahain ng kaso sa ilalim ng Section 1400 ng Republic Act 10863 o ang Customs Modernization Act (CMTA).

Binigyang-diin naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, na siyang lumagda sa Letter of Authority (LOA) para sa operasyon, ang kahalagahan ng pagtiyak na tanging mga authentic personal protective equipment (PPE) items lamang ang ipinagbibili at ipinamamahagi sa merkado.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na may sinalakay silang storage facility o bodega na may mga pekeng PPEs at COVID-19 medicines.

Sinabi ni Guerrero na mahalagang mapalakas at paigtingin pa ang kanilang kampanya at mga pamamaraan upang matigil ang operasyon ng mga ito, bunsod na rin nang pagbubukas nang muli ng ekonomiya ng bansa.

Inihayag naman ni Enciso na sa ilalim ng patnubay ni Guerrero, katuwang ang MICP leadership, ay pangungunahan nila ang higit pang pagpapaigting ng border security at anti-smuggling operations.

“This is alarming because people will think they’re protected from the virus by wearing face masks and face shields that turned out to be counterfeit items. These can put many lives in jeopardy since people trust these items to do as advertised,” aniya pa.

Bilang siyang nangunguna sa operasyon, binigyang-diin ni Enciso ang kahalagahan ng pagtiyak na naoobserbahan ang proper protocols sa pagsisilbi ng LOA sa mga kinatawan ng mga storage facilities at mga warehouse.

2 thoughts on “P150-M ‘DI REHISTRADONG FACE MASKS AT FACE SHIELDS NAKUMPISKA NG BOC”

  1. 192789 427868Great day. Very cool blog!! Man .. Excellent .. Wonderful .. Ill bookmark your internet site and take the feeds additionallyI am glad to locate numerous beneficial information right here within the post. Thank you for sharing.. 496120

Comments are closed.