NASA kabuuang halaga na P152.8 billion ang ilalaang badget ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng iba’t ibang programa kaugnay sa pagkakaloob ng tulong pinansiyal sa mga mahihirap na pamilya, biktima ng kalamidad, senior citizens at iba pa.
Base sa P3.757 trillion na panukalang 2019 national budget, sinabi ni Deputy Speaker Rolando Andaya na may apat na cash transfer Programs ang ipatutupad ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte: ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps (P88.1billion), Unconditional Cash Transfer (UCT) mula sa TRAIN Law (P37.6 billion), Social Pension for Indigent Senior Citizens (P23.2 billion) at Pantawid Pasada Program para sa PUV drivers (P3.9 billion).
Sa ilalim ng UCT, mula sa kasalukuyang P200 ay gagawin itong P300 sa 2019, sa layuning maayudahan ang mahihirap na pamilya sa pagbili ng mga produktong tumaas ang presyo dahil sa TRAIN Law.
Ayon kay Andaya, sa nasabing kabuuang halaga, hindi pa kasama ang P67.4 billion na pambayad para sa PhilHealth coverage ng mga mahihirap at senior citizen at ang P3.5 billion para sa feeding program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa nasa 1.9 milyong mga bata.
Binigyan-diin naman ng Camarines Sur lawmaker na ang sektor ng edukasyon ang siyang ‘biggest investments in the development of the nation’s human capital’ ng Duterte government dahil aabot sa P32.1 billion ang budget ng panig ng basic education sa ilalim ng ‘Government Assistance to Students and Teachers in Private Schools’ program at P51 billion naman para sa Universal Access to Quality Tertiary Education o libreng pag-aaral sa kolehiyo. ROMER BUTUYAN
Comments are closed.