P153-M PINSALA SA KALSADA AT MGA TULAY NG TAAL VOLCANO

SEC-MARK-VILLAR

UMAABOT  sa 153 milyong piso  ang halaga ng pinsala sa  mga  kalsada at tulay bunsod ng pagsabog ng Bulkang Taal nitong buwan ng Enero.

Batay sa isinumiteng ulat, sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na dalawa pang national bridge sa Batangas ang nakitaan ng pinsala dahil sa mga naramdamang pagyanig mula sa bulkan.

Sa ulat ng DPWH-Batangas First District Engineering Office (DEO), may nakita ring sira sa Calbangan Bridge sa bahagi ng Palico-Balayan-Batangas Road sa Barangay Mataas na Bayan, Lemery at Laguile Bridge sa Lemery-Taal Diversion Road sa Barangay Laguile, Taal.

Nasa 4.77 milyong piso  ang halaga ng sira sa dalawang tulay.

Nagkaroon din ng pinsala  ang  Palico-Balayan-Batangas Road (P27 million damage); Lemery Taal Diversion Road (P35.16 million damage); Diokno Highway (P41.62 million damage); Tanauan-Talisay-Tagaytay Road (P4 million damage); Tali-say-Laurel-Agoncillo Road (P34 million damage) at Sinisian Bridge sa Palico-Balayan-Batangas Road (P2 million damage).

Nananatili namang sarado sa mga motorista ang Ta­lisay-Laurel-Agoncillo Road  dahil sa nasirang pavement at lock-down na ipinatupad ng local government unit (LGU) ng Laurel at Agoncillo.

One thought on “P153-M PINSALA SA KALSADA AT MGA TULAY NG TAAL VOLCANO”

Comments are closed.