Cavite’s coastal communities face a looming threat from the recent oil spill disaster from the sunken oil tanker MT Terranova, which contained 1.4 million liters of industrial fuel. Based on satellite image projections, as weather and marine conditions continue to be erratic, these coastal communities may soon be affected by the oil spill. Greenpeace Philippines Photo
Kalalabas lamang ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang estimates ng mawawalang kabuhayan sa fishing communities sa paligid ng Manila Bay na apektado ng oil spill ba gawa ng MT Terranova.
Ayon kay Greenpeace climate campaigner Khevin Yu, BFAR mismo ang nagsabing libo-libong mangingisda sa Bataan, Bulacan, Pampanga, at Cavite, ang apektado ng oil spill na aabot sa monthly revenue loss na PHP83.8 million sa Bataan at higit pa sa PHP70 million sa Bulacan ay Pampanga.
Gayunman, sinabi ng mga residente sa komunidad na walang livelihood plans para sa kanila, local government man o national government.
Naka-focus lamang umano ang lahat sa paglilinis ng oil spill at nakalimutan na ang mga taong apektado nito, pati na ang economic damage sa mamamayan.
Marahil, maiisip naman nila ito matapos malinis ang spills sa mga coastal areas, ngunit iyon ang panahong naghihikahos na at walang makain ang mga tao.
“Aanhin pa ang dami kung patay na ang kabayo,” ayon nga sa kasabihan.
Kahit pa maalis na ang oil spill sa karagatan, ang naging epekto nito sa mga fishing communities ay malawakang at pangmatagalan.
Dagdag pa ni Yu, kailangan ngayon ng mga local government units and communities ang mas marami pang impormasyon at suporta upang makapaghanda ng maayos sa magiging epekto nito sa kanila sa hinaharap.
Hindi rin umano dapat itago sa kanila ng mga responding agencies ng gobyerno ang mga impormasyon tungkol sa oil spills—pati na ang pananagutan ng barko, ng ship owners, at may-ari ng cargo na siyang tumapon sa karagatan.
“Even after the tankers have been salvaged and the fisherfolk around Manila Bay allowed to fish again, the crises brought about by the fossil fuel industry will continue,” ani Yu. “Greenpeace is calling on the government to hold the fossil fuel industry accountable and make them pay for damages to ecosystems, community livelihoods, and health.”