(P158.9-B noong Enero) BINAYARANG UTANG NG PH TUMAAS

TUMAAS  ang mga binayarang utang ng Pilipinas noong Enero.

Sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr), umabot sa P158.9-B ang Debt Servicing Expenses ng pamahalaan.

Mas mataas ito ng 232% kumpara sa P47.83-B na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Paliwanag ng BTr, ito’y sa gitna ng mataas na pagbabayad ng pamahalaan sa amortization at interest kung saan umabot sa P74. 2-B ang nabayarang interest ng gobyerno, kumpara sa P47-B noong 2023.

Habang nakapagbayad naman ng P 84.7-B na amortization ang pamahalaan, kumpara sa P861,000, 000 noong nakaraang taon.

DWIZ 882