P15K CROP INSURANCE SA FARMERS

Secretary William Dar-2

MAGKAKALOOB ang Department of Agriculture (DA) ng P10,000 hanggang P15,000 bilang crop insurance indemnification sa mga magsasaka na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Ayon kay DA Secretary William Dar, ang mga magsasaka ay maaari ring makautang ng hanggang P25,000 na magagamit nila para sa emergency at recovery.

Magbibigay rin ang ahensiya ng P3,000 cash at P2,000 halaga ng food assistance sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

“We are lining up the P6 billion [in excess rice tariffs] to give to 1.1 million rice farmers tilling one hectare and below at sana maibigay nitong December bago mag Christmas,” sabi ni Dar.

Samantala, umabot na sa mahigit P1 bilyon ang pinsala ng bagyong ‘Ulysses’ sa sektor ng agrikultura makaraang manalasa ito sa Luzon.

Ayon sa DA, ang kabuuang pinsala ni ‘Ulysses’ sa crop sector ay nasa P1.17 billion, na nakaapekto sa  49,237 magsasaka at 54,043 ektarya ng agricultural areas hanggang kahapon ng alas-10 ng umaga.

Naitala naman ng DA ang volume ng production loss sa 67,330 metric tons.

“The increase in values is attributed to updated reports from the Cordillera Autonomous Region, Ilocos Region, Central Luzon, and Bicol Region,” ayon sa ahensiya.

Ang mga apektadong produkto ay kinabibilangan ng rice, corn, high-value crops, fisheries, at  livestock sa Cordillera Autonomous Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Bicol Region.

Comments are closed.