P15K LIVELIHOOD ASSISTANCE GRANT SA 500 BENEPISYARYO

NAIPAGKALOOB na ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang P15,000 livelihood assistance grant (LAG) sa 500 benepisyaryo na karapat-dapat na pamilya bilang puhunan sa bagong alternatibong income-generating activities o ang tinatawag na micro-enterprise ventures.

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, dalawang araw isinasagawa ang pamamahagi ng P15,000 LAG sa mga benepisyaryo na sinimulan nitong Martes at kahapon sa Padre Zamora Elementary School (PZES).

Ang pagpili sa 500 benepisyaryo ay isinagawa ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR) upang makatulong sa pagkalugi ng kanilang maliit na negosyo dahil sa matin­ding krisis na idinulot ng COVID-19.

Ang mga benepisyaryo ay manggaga­ling sa isang miyembro ng pamilya na napapabilang sa mga informal economic worker na ang pinagkakakitaan o trabaho ay naapektuhan ng pandemya ng COVID-19.

Sa guidelines ng DSWD, ang naturang ahensya ang gagawa ng pagsusuri sa pagiging karapat-dapat ng mga pamilya na mapapasama sa listahan ng mapagkakalooban ng LAG.

Samantala, bukod sa mga kuwalipikadong benepisyaryo ng P15,000 LAG, sinabi ng alkalde na mayroon ding community pantry na itinayo sa naturang eskuwelahan para matulungan naman ang mga magulang o mga nag-aalaga ng kindergarten at nasa unang baytang na mga mag-aaral.

Dagdag pa nito, ang mga nakalatag na pagkain sa naturang community pantry ay mga donasyon na galing sa General Pa­rents-Teachers Association (GPTA) ng PZES. MARIVIC FERNANDEZ

11 thoughts on “P15K LIVELIHOOD ASSISTANCE GRANT SA 500 BENEPISYARYO”

  1. 616399 42672of course like your web-site nonetheless you want to check the spelling on quite a few of your posts. Several them are rife with spelling issues and I to find it extremely bothersome to inform the reality nevertheless Ill surely come back again. 976717

Comments are closed.