P15K PUHUNAN SA NEGOSYONG TINDAHAN

HINDI madali ang pagpasok sa larangan ng pagnenegosyo. Maraming gustong sumubok pero hindi lahat ay nagtatagumpay. Ayon sa ating bida ngayong buwan na si Carina Reyes, ang mga factor sa pag-asenso ay ang lakas ng loob, dasal at tiwala sa Diyos, tiwala sa sarili at ang goal setting.

May asawa at isang anak si Carina Reyes, 45-anyos at nakatira sa Taguig City. At ang kanyang negosyo ay nagsimu­la sa P15k na puhunan. Ang mga produkto sa tindahan ng ating bida ay ang canned goods, noodles, bigas, alak/beer, sigarilyo at ang uling na kanilang best seller.

 

MGA CHALLENGE SA NEGOSYO

Kagaya ng bawat negosyante, kumaharap din sa pagsubok ang          ating bida. Noong una ay wala siyang kumpiyansa sa pagpipresyo ng kanyang mga paninda at gumagaya lamang siya sa ibang tindera. Hindi niya magawa o makayanang magpresyo ng kanya paninda.

Bukod sa negosyong tindahan, nagtatrabaho rin sa isang manufactu­ring company si Carina. At para makapag-focus sa nasabing trabaho, pinahawakan niya sa asawa ang kanilang negosyo. At para madagdagan ang kanyang kita, madalas siyang nag-o-overtime (OT).

Ngunit dumating sa puntong unti-unting naubos ang puhunan ng         ating bida. Kinailangan niya itong dagdagan sa pamamagitan ng suweldo mula sa pinapasukang trabaho. Hindi rin naman siya nagsisi sa ginawa dahil hanggang ngayon ay nakatayo pa ang kanilang tindahan.

Samakatuwid, kung dati ay kumikita lang ng P500 kada araw ang tindahan nina Carina, nadagdagan ito at ngayon ay P800 na kada araw. Nadagdagan na rin ang kanyang mga paninda. At ang ikinaganda pa sa lahat, mas lumaki ang savings niya ngayon kaysa sa dati.

 

TIWALA SA SARILI

Malaki ang naitulong ng STAR Training sa          ating bida na si Carina. Da­hil matapos siyang um-attend dito ay nagkaroon na siya ng tiwala sa kanyang sarili, lalong-lalo na sa pagnenegosyo. Kung noong una ay ginagaya lamang niya ang presyo ng kanyang mga paninda sa ibang tindera, ngayon ay may kakayahan na siya kung paano niya pipresyuhan ang kanyang mga paninda ng hindi gumagaya sa iba.

Natutunan niya sa STAR Training ang wastong pagma-mark up, gayundin ang mag-imbentaryo ng kanyang mga paninda. At dahil din sa sinalihang training, natutunan niyang magtipid ng at least 10% sa kanyang kinikita.

Sa pagpasok sa isang negosyo—maliit man iyan o malaki—hindi natin masasabi o masisigurong lalago ito. Maraming pagsubok ang maaaring dumating sa atin. Puwedeng malugi ang ating itinayong negosyo. Puwede rin namang lumago ito kaagad. Kumbaga, walang kasiguraduhan sa pagnenegos­yo. Maraming puwedeng mang­yari. Ngunit kung alam natin ang mga factor sa pag-asenso, gaya ng       ating bida, tiyak na maaabot din natin ang daan tungo sa tagumpay.    CHE SALUD

 

 

25 thoughts on “P15K PUHUNAN SA NEGOSYONG TINDAHAN”

  1. Expression of PTPN9 protein tyrosine phosphatase, non receptor type 9 is reported to reduce STAT5 activation coincident with growth inhibition as measured in soft agar assays by using SKBR3 and MDA MB 231 breast cancer cell lines, perhaps in whole or in part through regulation of ErbB2 and EGFR phosphorylation 95 priligy buy Although the difference in median survival seems modest, temozolomide significantly increased the chances of surviving 2 or 3 years

  2. According to the Centers for Disease Control and Prevention CDC, about 6 cialis dosage Interplay between the EMT transcription factors ZEB1 and ZEB2 regulates hematopoietic stem and progenitor cell differentiation and hematopoietic lineage fidelity

  3. cialis tadalafil However, proximal tubular cell injury does not correlate well with the severity of oxalate deposition, which suggests that other ethylene glycol metabolites are pathogenically involved

Comments are closed.