P16.5-M COCAINE NASABAT SA EL SALVADOR NATIONAL

ISANG Salvadoran national ang nakumpiskahan ng P16.5 milyong halaga ng cocaine ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Custom (BOC) at Ninoy Aquino International Airport-Inter-Agency Drug Interdiction Task group kamakalawa.

Batay sa ulat, tinangkang na isang Salvadoran na magpuslit ng higit 3 kilong cocaine sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng PDEA na galing sa Brazil ang dayuhan at kumuha ng connecting flight sa Doha, Qatar, via Qatar Airways flight QR 932 mula Brazil patungo ng Pilipinas.

Inihalo umano ng lalaki ang 9 sachet ng cocaine kasama ang ilang piraso ng mga damit sa kanyang hand carry baggage subalit nadiskubre pa rin ito nang isalang sa X-ray ng Arrival Operation Division ng BOC sa Terminal 3 .

Napag alaman na bago pa makarating ng Pilipinas ay nakatanggap na ng impormasyon ang Arrival Operations Division at mga ahente ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force sa BOC NAIA mula sa kanilang foreign counterparts kaya nakipag-ugnayan sila sa PDEA operatives hingil sa pagdating ng suspek na may dalang illegal drugs.

Nagpakilalang isang electrician umano ang suspek sa El Salvador at ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumiyahe sa Pilipinas.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.
VERLIN RUIZ