P16.8-B BUDGET NG HFEP IBALIK

Senador JV Ejercito-5

IGINIIT  ni Senador JV Ejercito, chair ng Senate Health Committee, na ‘anti-poor’ at ‘great disservice’ sa taumbayan ang pagtanggal ng pondo ng Health Facilities Enhance Program (HFEP) para sa taong 2019.

Ginawa ng senador ang pahayag kasabay ng pangakong ipaglalaban niya na maibalik ang ina­lis na P30 bilyong pondo ng Department of Health (DOH), kasama ang P16.8 bilyon na nakalaan para sa HFEP.

“Kahit hindi ‘yung buong P30 billion, kahit kalahati na lang, ‘yung P16 billion HFEP budget na lang ang maibalik, puwede na sa akin para matapos na ‘yung mga 90 percent hanggang 100 percent completed na upgrading and expansion ng health facilities gaya ng mga barangay health station at hospital at malagyan ng equipment,” aniya.

Dahil dito, nanga­ngamba si Ejercito na maaaring maantala ang pagpapatupad ng Universal Health Care na ngayo’y naghihintay na lang ng lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi mabibigyan ng karampatang pondo ang HFEP.

“Kahit na ngayong pansamantalang nakabakasyon ay bumibisita pa rin ako sa mga ospital at nakalulungkot na makita ang mga pasyente na nasa corridors na siksikan, very unhealthy at kulang ang mga medical equipment,” anang senador.

“Pero kung may HFEP, matatapos ang upgrading at expansion ng facilities, lahat ng mga nasa corridor ay maipapasok na natin sa mga silid at magkakaroon na ng mga hospital equipment para maging kumpleto ang paggagamot sa kanila,” dagdag pa niya.                 VICKY CERVALES

Comments are closed.