P160-M AYUDA SA FARMERS, FISHERFOLK

Agriculture Secretary Willam Dar-2

NAMAHAGI ang Department of Agriculture (DA) ng P160 million na tulong sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon kay Agriculture Secretary Willam Dar, kabilang dito ang fishery inputs at livelihood assistance. Magkakaloob din ang DA ng mga trak at sasakyan upang tumulong sa paglikas sa mga hayop at sa paghahatid ng feeds at supplies.

Naghahanap din ang DA ng da­lawang malalaking farms na gagamitin bilang evacuation centers para sa mga alagang ha­yop. Mamamahagi rin ang ahensiya ng mga gamot para sa mga nasagip na hayop.

Naglaan din ang Philippine Coconut Authority (PCA) ng P1.9 million sa mga apektadong coconut farmers, at magkakaloob ng 150,000 coconut seedlings, gayundin ng fertilizers.

Ayon pa sa DA, ang pinsala sa agrikultura at fisheries mula sa ibinugang abo ng Taal ay nananatili sa P577.4 million, kung saan labis na tinamaan ang coffee-growing industry ng Batangas.  PILIPINO Mirror Reportorial Team