P163-M SHABU NAKUMPISKA SA FOLLOW-UP NG NPD

NPD-District-Director-Chief-Supt-AmandoEmpiso

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) Drug Enforcement Team ang 24 kilos ng shabu na nasa P163 milyon ang  street value sa mag-ina na naaresto sa buy bust operation sa Sta. Ana, Manila, Martes ng gabi.

Kinilala ni NPD District Director Chief Supt. Amando Empiso ang mga naarestong suspek na sina Ruby Calabio, 61, at Ian Akira Calabio, 26, kapuwa residente ng No. 2541 Interior 21 Pasig Line, Brgy. 778 Zone 85, Santa Ana, Manila.

Ayon kay DD ­Empiso, unang naaresto ng mga tauhan ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit sa buy bust operation sa harap ng MCU hospital ang dalawang drug pusher na sina Luzviminda Basilio, 26, at Jocelyn Santos, 28, sa harap ng isang fast food chain sa kahabaan ng EDSA, Brgy. 81 dakong 5:45 ng hapon kung saan inginuso ng mga ito si Ian Akira na kanilang source ng ilegal na droga.

Kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng follow-up buy bust operation sa ­pangunguna ni PSI Cecilio Tomas Jr. kontra sa mga suspek, dakong alas-11:15 ng gabi sa koordinasyon sa ­Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Manila Police Distirct (MPD).

Matapos iabot ng magkapatid ang tatlong plastic sachet ng shabu kay PO1 Elouiza Andrea Dizon na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P30,000 boodle marked money sa loob ng kanilang bahay, ay agad dinamba at inaresto ang mga suspek ng mga ­operatiba.

Nang halughugin ng mga operatiba ang loob ng bahay ng mga suspek, nagawang marekober ang kulay silver luggage bag na naglalaman ng nasa 24 kilos ng hinihinalang shabu na tinata­yang nasa P163 milyon ang street value.  VICK TANES / EVE GARCIA

 

2 thoughts on “P163-M SHABU NAKUMPISKA SA FOLLOW-UP NG NPD”

  1. 494605 128517An attention-grabbing dialogue is value comment. Im confident that its better to write on this topic, towards the often be a taboo topic but typically persons are not sufficient to speak on such topics. To yet another location. Cheers 401140

Comments are closed.