P17-B NALIKOM SA T-BILLS AUCTION

NAKALIKOM ang pamahalaan ng P17 billion mula sa Treasury bills (T-bills) auction, mas mataas sa inisyal na P15-billion program habang ang bids ay nagkakahalaga sa mahigit P40 billion.

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), ganap nitong iginawad ang  bids para sa T-bills sa auction nitong Lunes.

Ang 91-, 182-, at 364-day T-bills ay may average rates na 5.506 percent, 5.879 percent at  6.064 percent, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Ang average rate ng 91-day at 182-day T-bills ay tumaas mula sa 5.461 percent atb 5.873 percent noong nakaraang linggo.

Gayunman, ang average rate ng 364-day debt paper ay bahagyang bumaba mula sa 6.075 percent noong nakaraang linggo.

The auction was 3.3 times oversubscribed, attracting PHP42.3 billion in total tenders and prompting the Committee to double the accepted non-competitive bids for the 364-day security,” ayon sa BTr.

With its decision, the Committee raised PHP17.0 billion through the auction from the initial program of PHP15.0 billion,” dagdag pa nito.

(PNA)