P17 BILLION NAWAWALA SA PINAS DAHIL SA ENVIRONMENTAL HAZARDS – NEDA

Pernia-1

UMAABOT sa P17 billion kada taon ang nawawala sa Filipinas dahil sa environmental hazards na pinalubha ng climate change, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa isang talumpati kamakailan, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na ang yearly losses sa pagitan ng 2000 at 2016, kabilang ang production losses at pinsala sa farm equipment at irrigation at road facilities, ay naitala sa P17.37 billion.

“Environmental hazards aggravated by climate change continue to pose significant risks to agricultural output and growth,” wika ni Pernia sa book launch ng “The Future of Philippine Agriculture Under a Changing Climate: Policies, Investments and Scenarios”.

“Climate change is only about to get worse with recent rapid increases in temperature. If we do nothing, this will impede our target of increasing agricultural productivity and ensuring food security,” paliwanag pa niya.

Ang sektor ng agrikultura ay lumikha ng trabaho para sa 31.5 percent ng labor force ng bansa, at isa sa tatlong sektor ng production na sinusukat para sa paglago ng ekonomiya.

Dahil dito, sinabi ni Pernia na inaprubahan kamakailan ng mga opisyal ng  NEDA ang isang  policy framework sa climate change.

“NEDA officials—Undersecretaries, Assistant Secretaries, and regional and staff Directors—unanimously approved and adopted the NEDA Declaration on Climate Change, which provides a concrete policy framework that will guide and enable NEDA to implement our Climate Change Strategy,” aniya.

Inaprubahan noong Disyembre 6, ang NEDA Climate Change Strategy ay isang four-part initiative  na ipatutupad si­mula 2018 hanggang 2021 upang mapabilis ang ‘behavioral change’ ng mga empleyado ng NEDA.

Comments are closed.