IBA’T ibang organisasyon ng mga magsasaka ang tumanggap kamakailan ng farm machines at equipment na nagkakahalaga ng P17 million mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).
May kabuuang 13 agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) sa Ilocos Sur ang nakinabang sa iba’t ibang proyekto ng DAR.
Sinaksihan nina DAR Assistant Secretary for Support Services Teresita Vistro, Ilocos Sur Vice Governor Jeremias Singson, at Caoayan, Ilocos Sur Mayor Juan Paolo Ancheta ang turn-over ceremony na idinaos nitong linggo sa NSCC Industrial park sa Caoayan, Ilocos Sur.
Ayon kay DAR Regional Director Judita Tungol, ang milyon-milyong pisong halaga ng farm equipment ay kinabibilangan ng 13 farm tractors at dalawang units ng combined harvesters.
Aniya, ang farm equipment ay ipinagkaloob sa limang iba’t ibang ARBOs sa Ilocos Sur – lima sa mga ito ay napunta sa mga nagmula sa First District at walo sa Second District ng lalawigan.
Ang farm machines ay ipinagkaloob bilang ‘equipment grant’, na paaandarin ng farmers’ organization bilang business assets kung saan kokolektahin at gagamitin ang user fees para sa operation at maintenance ng farm equipment.
“Through this scheme, the organizations will be empowered to make their organizations grow by engaging into agri-business enterprises,” ani Tungol.
Sinabi ni Christianne Suguitan, provincial agrarian reform program officer ng DAR, na ipinagkaloob ng ahensiya sa pamamagitan ng ARC Connectivity Economic Support Service (ARCCESS) at ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP) Support Services Division nito ang farm machines upang mapalakas ang farm productivity at mapalaki ang kita ng ARBs sa pangmatagalang paraan sa pamamagitan ng kanilang mga organisasyon.
“We are encouraging the members of ARBOs to be diligent in convincing farmers, especially ARBs to become members of farm cooperatives to increase ARB membership,” ani Suguitan.
“The DAR can only provide additional support services to an organization if there is a growing ARB membership that will justify the need to deliver more farm machinery and equipment,” dagdag pa niya. JONATHAN L. MAYUGA
Comments are closed.