P17-M SMUGGLED NA DILAW NA SIBUYAS MULA CHINA NASABAT

MAHIGIT P17-milyong halaga ng dilaw na sibuyas mula China ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC).

Nadiskubre ang mga sibuyas sa tatlong container na nakahalo sa P2-M halaga ng ukay-ukay at iba pang produkto.

Ayon kay Customs commissioner Yogi Filemon Ruiz, kung sa tingin ng mga smuggler ay maikukubli nila ang mga puslit na sibuyas sa mga ukay-ukay, nagkakamali ang mga ito. Nanumpa, aniya, sila na pipigilan ang mga ilegal na aktibad at sinisikap ng ahensiya na protektahan ang mga Pilipino laban sa mga mapagsamantalang negosyante.

Pinuri naman ni Ruiz ang mga operatiba ng Aduana sa pagpapaigting ng kampanya laban sa smuggling ng agricultural products.

DWIZ 882