QUEZON CITY – NASAKOTE ang isang lalaki at babae na pawang hinihinalang mga drug suspect sa buy bust operation at pagka-kakumpiska ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000 sa Brgy. Novaliches Proper kamakalawa ng gabi.
Batay sa report na isinumite ni P/Capt. Dennis P. Francisco, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay P/Lt. Col. Rossel Cejas, chief of police ng QCPD Station 4, ang mga nasakote ay nakilalang sina Jerramy Condes Marcelo, 29-anyos, tubong Leyte at nakatira sa Pecson Ville Vermillion St., Tungkong Mangga, San Jose Del Monte City, Bulacan; at si Jazel Caingles Guitera, 30, tubong Zamboanga, ng Blk. 25 Lot 18, Everlasting St., Maligaya Park, Novaliches sa nabanggit na lungsod.
Pahayag ni officer-on-case Cpl. Darwin Cruz, naganap ang naturang operasyon dakong alas-8:30 ng gabi sa harapan ng isang mall sa Brgy. Novaliches Proper sa nabanggit na bayan.
Ayon kay Capt. Francisco, ilang araw rin umano nilang sinubaybayan ang kilos ng dalawang suspek kaya nang makuha na nito ang tiwala ng dalawa ay doon na sila nagsagawa ng buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip at pagkakasamsam ng mga ebidensiya.
Nakakuha ang operatiba ng 5 sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, 1 piraso ng P500 bill, anim na P,1000 bill na boodle money, isang gamot sa sakit sa ulo, cellphone, coin purse, isang kulay asul na pouch at isang kulay pulang motorsiklo.
Ang dalawang suspek na nasakote ay kasalukuyang nakapiit sa QCPD Staion 4 habang inihahanda pa ang kaukulang kaso na isasampa dahil sa paglabag sa Section 5 at 11 Article ll ng Republic Act 9165. EVELYN GARCIA
Comments are closed.