P18.3-M COCAINE NAHARANG SA CLARK AIRPORT

PAMPANGA- AABOT sa 3,468 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P18,380,400.00 ang naharang ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-lll, National Bureau Of Investigation-lll at Bureau of Customs sa isang Suriname National mula sa South America.

Base sa inisyal na report nakilala ang suspek na si Renaldo Wilfred Olivieira, 48- anyos.

Bitbit ni Olivieira ang 30 vacuum na nakabalot sa kulay asul na carbon paper ang ilegal na droga na nakapalaman sa kanyang jacket.

Nabatid na lumapag sa Clark Airport ang sinasakyang eroplano ni Olivieira na United Arab Emirates Flight EK 338 ganap na ala- 6:31 ng hapon nito lamang Martes.

Nadakip si Olivieira dakong alas- 7:44 ng gabi, dala ang kontrabandong droga na tinangkang ipuslit sa Airport.

Samantala, paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampang kaso laban sa dayuhan. THONY ARCENAL