P180-M INILAAN SA ALLOWANCES NG ATLETA SA BAYANIHAN 2

SEN BONG GO-2

KINUMPIRMA ni Senate Committee on Sports chairman Christopher Bong Go na dahil sa pagbagsak ng koleksiyon ng PAGCOR sa mga nakalipas na buwan ay napilitang bawasan ang allowance ng mga atleta at mga coach sa bansa.

Gayunman, sinabi ni Go na sa sandaling bumalik na ulit sa normal ang koleksiyon ng ahensiya ay gagawing retroactive ang mga nabawas na allowances.

Sinabi ni Go na malaking bagay ang suporta ng gobyerno sa trainings at ibinigay na insentibo ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapataas ang morale ng mga atletang sumabak noong Southeast Asian Games.

Kaugnay nito, umapela  si Go sa Philippine Sports Commission (PSC) at  Games and Amusement Board (GAB)  na gawin  ang lahat para suportahan ang mga atleta at coach,   kasama na ang  pagbibigay ng allowance at paglalatag ng programa para sa trainings.

Samantala,  kinumpirma ni Go na sa ilalim ng Bayanihan 2, may P180 milyon para  sa allowances  ng mga atleta upang matiyak na tuloy ang trainings at conditioning ng mga ito, kung sakaling matuloy ang 2021 TokyoOlympics ay handa ang mga ito na masungkit ang gintong medalya.

Binigyang-diin ni Go na hindi malayong makakuha ang bansa ng medalya basta suportahan  lang ang mga atletang  Pinoy  at bilang  chairman ng komite  ay ipaglalaban niya ang karapatan ng mga ito. VICKY CERVALES

Comments are closed.