P182K FIRECRACKERS KUMPISKADO

Paputok

CAVITE – UMA­ABOT sa P182k ha­laga ng ­illegal firecrackers mula sa 5 lungsod at 3 bayan sa lalawigan ng Cavite ang nasamsam makaraang isagawa ang serye ng “One Time Big Time Operation ng pulisya simula noong Lunes.

Sa kautusan ni Ca­vite Provincial Police Director P/Col. Marlon Santos, sinuyod ng mga operatiba ng pulisya ang mga vendor na nagbebenta ng ilegal na paputok sa mga Lungsod ng Bacoor, Dasmariñas, Imus, General Trias at Cavite.

Nasamsam sa mga vendor ang illegal firecrackers tulad ng piccolo, kwitis, fire star, baby rocket, lives, sawa, sinturon ni Judas, at iba pa na nagkakahalaga ng P 182k.

Sinuyod din ng pulisya ang mga vendor sa mga bayan ng Naic, Carmona at Noveleta.

Nakatakdang kasuhan ang mga vendor sa paglabag sa RA 7183 habang nasa kustodiya ng pulisya sa Camp Pantaleon Garcia ang mga nasamsam na pa­putok na wawasakin sa Enero 3 2020. MHAR BASCO