P185K SHABU NASABAT SA 2 TULAK SA MALABON

drug pusher

NASAKOTE ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga at nakumpiska sa mga ito ang nasa P185,300 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Malabon Police Chief Col. Jessie Tamayao ang mga naaresto na sina Paul Alvarado alyas “JP”, 31, residente ng Silangan St., Tondo Manila at Charvin Duarte, 24, ng Pampano St., Brgy. Longos.

Sa imbestigasyon ni PMSg Jun Belbes, bandang 8:30 ng Martes ng umaga nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Johnny Baltan, kasama ang PDEA Camanava ang buy bust operation kontra sa mga suspek sa C. Arellano St., Brgy. Concepcion.

Isa sa mga operatiba ang nagpanggap na buyer ang nagawang makaiskor ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500 sa mga suspek.

Nang magbigay ng signal ang parak sa kanyang mga kabaro na nagkaabutan na agad sumugod ang back-up na mga operatiba at sinunggaban ang mga ito.

Narekober sa mga suspek ang buy bust money, P400 cash, mga plastic sachet ng shabu na tumitimbang lahat sa 27.25 gramo at may street  value na nasa P185,300 ang halaga. VICK TANES

Comments are closed.