NASA P19.9 bilyong halaga ng dangerous drugs at Controlled Precursors and Essential Chemicals (CPECS ang winasak kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sinasabing ito ang pinakamalaking bulto ng iba’t ibang ilegal na droga na sinunog na nasamsam mula sa anti-drug operations na isinagawa ng PDEA katuwang ang mga law enforcement at military units.
Isinagawa ng PDEA ang pagwasak sa 3.7 tons o 3,746,081.07 gramo ng droga sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.
Ayon kay Director Derrick Carreon, PDEA spokesperson “ It was destroyed through thermal decomposition (thermolysis) at a waste management firm in Cavite.”
Sinasabing nasa ₱18.4 billion halaga ng shabu ang siyang kumakatawan sa pinakamalaking bulto ng winasak na droga.
Bukod sa P36.8 million halaga ng marijuana, P2.1 million cocaine, at P1.3 million halaga ng party drugs o ecstasy.
Kabilang sa mga winasak na drug evidence ang mga sumusunod: 2,715,151.4251 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu (₱18,463,029,690.54); 306,787.0243 gramo ng marijuana (₱36,814,442.92); 407.7200 grams ng cocaine (₱2,160,916.00);3 40.8424 gramo ng MDMA o ecstasy (₱ 1,353,813.27); 15.6000 gramo ng diazepam (₱604.50); 1.0823 gramo ng nitrazepam (₱23.00); 7.2429 gramo ng meth+caffeine; 2.2024 grams ng ketamine (₱47,589.36); 668,918.8680 gramo ng ephedrine; 704.3800 gramo ng MDA; 95.6000 gramo ng meth+MDMA; 13.1555 gramo ng psiloscin; 33,625.9300 gramo ng N-Dimethylamphetamine; 716,500.0000 mL ng meth HCL; 252.0000 mL ng GBL (₱374,850.00); 40,000.0000 mL ng ephedrine+meth hcl; 107.00 mL ng liquid marijuana; at 20,000.00 mL ng surrendered expired medicines
Ang pagwasak sa mga dangerous drugs ay bilang pagtugon sa alituntunin hinggil sa kustodiya at disposisyon ng mga nahuling dangerous drugs sa ilalim ng Section 21, Article II of Republic Act 9165, or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002.
Sinaksihan ng mga kinatawan mula sa Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG), Local officials ng Barangay Aguado, Trece Martires City, representatives mula Philippine National Police (PNP) at iba pang mga law enforcement agencies, non-government organizations (NGOs) at mga kinatawan mula sa media ang ginawang pagwasak sa dangerous drugs. VERLIN RUIZ/ EVELYN GARCIA