P19-M SHABU NASABAT SA NAIA

MAHIGIT sa dalawang kilo ng shabu ang laman ng inabandonang bagahe ng dayuhang taga-Uganda na intercept sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa report na nakarating sa tanggapan ni NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa, kinilala ang suspek na si Sara Tabitya residente ng bansang Uganda.

Ayon sa report tinatayang aabot sa P19 milyon ang halaga ng 2.8 kilos ng shabu, kung saan ibinalot ang mga ito sa mga damit at pantalon at isinignit pa ang iba sa mga tools.

Dumating ang nasabing mga droga noong pang Disyembre 24, 2022 sakay ng Philippine Airlines (PAL) PR-737 mula Addis Ababa via Bangkok.

Agad naman nai-turn over ang mga droga sa mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at kasabay nito nangangalap o nagko-conduct ng imbestigasyon ang Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, upang malaman kung mayroon ito kasabwat sa Pilipinas. FROILAN MORALLOS