P195.9-M HAZARD PAY PARA LIBONG KAWANI IBIBIGAY NA

MAAGANG pamasko para sa libo-libong kuwalipikadong em­pleyado ng Manila City Hall ang pagpapalabas ng dalawang buwang hazard pay makaraang lagdaan ang P195.9 mil­yong pondo para dito.

Kaagad na inatasan si City Treasurer Jasmin Talegon na ihanda ang pagbabayad sa regular na city employees na tatanggap ng P500 hazard pay kada araw para sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lungsod o mula Marso 27 hanggang Mayo 14 ng taong kasalukuyan.

Nabatid na ang pagpapalabas ng pondo na aabot sa kabuuang P195,910,548, ay alinsunod sa Administrative Order No. 43, series of 2021 na nag-aawtorisa sa pagbibigay ng CO­VID-19 Hazard Pay sa mga government personnel na pumasok sa trabaho sa panahon ng ECQ at MECQ.

Ayon naman kay Tale­gon, kabilang sa mga personnel na mapagkakalooban ng Hazard pay, Hazardous Duty Pay, Hazard Allowance at iba pang katulad na benepisyo ay ang mga public health workers, public social workers, science at technology personnel gayundin ang military at uniformed personnel at iba pa na pumasok sa kanilang trabaho sa panahon ng ECQ at MECQ. VERLIN RUIZ

5 thoughts on “P195.9-M HAZARD PAY PARA LIBONG KAWANI IBIBIGAY NA”

  1. 803246 157627It was any exhilaration discovering your website yesterday. I arrived here nowadays hunting new items. I was not necessarily frustrated. Your ideas right after new approaches on this thing have been useful plus an superb assistance to personally. We appreciate you leaving out time to write out these items and then for revealing your thoughts. 554751

  2. 217954 819509I was recommended this internet website by my cousin. Im not confident whether this post is written by him as nobody else know such detailed about my trouble. Youre wonderful! Thanks! 354747

  3. 742495 877879Some times its a pain inside the ass to read what blog owners wrote but this site is truly user pleasant! . 22687

  4. you are really a good webmaster. The website loading speed is amazing. It seems that you are doing any unique trick. Also, The contents are masterpiece. you have done a great job on this topic!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *