MT. PROVINCE-KULUNGAN ang binagsakan ng apat na kabataang estudyante nang tangkaing ipuslit ang P1 milyong halaga na pinatuyong dahon ng marijuana makaraang masabat sa itinayong checkpoint ng magkasanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera at local policemen sa Sitio Ampawilen, Brgy. Poblacion sa bayan ng Sadanga ng lalawigang ito noong Lunes ng gabi.
Base sa police report, nakatanggap ng impormasyon ang anti-narcotics agents kaugnay sa apat na kabataang may bitbit na marijuana lulan ng itim na Toyota Avanza mula sa Kalinga kaya naglagay ng checkpoint sa nasabing lugar.
Kinilala ang mga suspek na sina Laurence Bautista Ignacio, 21-anyos ng 12 Manacop St., Brgy. Parang, Marikina City; John Ceasar Padilla, 20-anyos ng CM Recto Extension, Brgy. Parang, Marikina City; Dan Mark Roa Delos Reyes, 21-anyos ng Brgy. Parang, Marikina City; at si Vince Marie Robles Cruz, 21-anyos ng #77 Lakandula St, Parang, Marikina City.
Ayon kay PDEA-Cordillera director Gil Castro, nadiskubre sa sasakyan ng mga suspek ang walong bricks, tubular shape, at dalawang ball shaped dried marijuana leaves na may fruiting tops.
Umaabot sa 8,250 gramo na nasamsam na marijuana na may street value na P990,000.00.
Nakumpiska rin ang din ang tobacco pipe na inilagay sa blue pouch at ilang identification documents ng mga suspek.
Binitbit naman ang suspek sa PDEA-CAR office sa La Trinidad, Benguet para sa tactical interrogation at drug screening test kung saan sila nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. MHAR BASCO
Aw, this was an incredibly good post. Taking the time
and actual effort to make a great article… but what can I say…
I hesitate a whole lot and never manage to get anything done.
169818 39533Normally I do not read write-up on blogs, but I wish to say that this write-up very forced me to try and do so! Your writing style has been surprised me. Thanks, quite good article. 914044