P1M HALAGA NG MARIJUANA NAKUMPISKA SA BUY BUST

marijuana

BULACAN- NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Agency (Bulacan-PDEA) at Meycauyan police ang bloke-blokeng marijuana na nagkakahalaga ng P1 milyon sa isang buy bust operation na ikinadakip ng limang kalalakihan sa Brgy, Malhacan sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/Lt.Col. Bernardo Pagaduan ng Meycauyan City police ang mga suspek na  sina Nikki John Tablante, 33-anyos ng Brgy. Sto. Niño, Meycauyan; Christian San Diego, 34-anyos  ng Brgy. Duhat, Bocaue; Lhordan Cabat, nasa hustong gulang ng Brgy. Sto. Rosario, Malolos City; John Mauroce Clemente at Adler Ambiano, pawang mga taga Brgy. San Vicente, Paombong, Bulacan.

Nabatid na matagal na umanong sinusubayan ng mga awtoridad ang galaw ng mga suspek nang makatiyempo, agad na nagsagawa ng buy-bust sa Supima Square Savemore dakong ala-5 ng hapon.

Nakumpiska ang bloke blokeng marijuana sa mga suspek na nakalagay sa likurang bahagi ng isang kulay gray na Toyota Fortuner na walang plaka.

Samantala, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dange­rous Drugs Act ng bansa. THONY ARCENAL

Comments are closed.