P1M SHABU AT MARIJUANA KUMPISKADO, 1,PATAY SA BUY-BUST NG PNP

BULACAN- NASA P1 milyon ang halaga ng shabu at marijuana ang nakumpiska ng mga pulis sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa bayan ng Sta.Maria, Marilao at San Jose del Monte habang isa ang nasawi at 16 na iba pa ang naaresto.

Nakilala ang napatay sa engkuwentro na si Albert Caldito alyas Itnol,ng Brgy. Tabon, Pulilan. Bulacan, na kabilang sa PNP PDEA watch list na nakuhanan umano ng 6 sachet ng hinihinalang shabu at isang cal.38 na baril at isang motorsiklo,sa Brgy. Batasang Bata, San Miguel.

Samantala, may timbang na 105 gramo ng shabu at 3 kilo ng marijuana bricks ang nakumoiska ng ng Dangerous Drug Board (DDB) sa iba’t ibang operasyon.

Kinilala ang mga nadakip na sina alyas Michael, ng Brgy. Poblacion, Santa Maria, Vhen Symond Olfindo, ng Brgy. Lias, Marilao, na kabilang sa drug watch list, Gerry De Guzman, mula Quiapo, Manila, Kristian Licudine alyas Chan Chan, alyas Tisoy, Kenneth Sibal kapwa ng Brgy. Narra, San Jose del Monte at 10 iba pa na nakuhanan ng 22 sachets ng droga. THONY ARCENAL

5 thoughts on “P1M SHABU AT MARIJUANA KUMPISKADO, 1,PATAY SA BUY-BUST NG PNP”

  1. I do not even know the way I finished up here, however I believed this post was good. I do not understand who you might be however definitely you’re going to a well-known blogger for those who are not already 😉 Cheers!

  2. 188742 980121Wow, superb blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear easy. The overall look of your internet site is magnificent, as properly as the content! xrumer 47081

Comments are closed.