P1M SHABU HULI SA 2 DALAGA

CAMARINES SUR-DALAWANG dalaga ang nahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon sa anti-narcotics operation ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 Director, PBGen. Jonnel Estomo katuwang ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Naga City.

Ayon kay Estomo, naging matagumpay ang ikinasang buy- bust operation ng PNP Bicol at PDEA na nagresulta s pagkakasamsam ng may 150 gramo ng shabu sa sa dalawang dalaga.

Sa ulat ng Naga City Police Office, bandang alas-5:45 ng umaga, nakorner ng mga operatiba si Ronna Geroy Balcueva, 29-anyos ng Amarillo St. Clupa, Brgy. Calaug, Naga City. Si Balcueva ay kabilang sa talaan sa Ilegal na droga ng NCPO.

Samantala, kasama rin nito si Jacqueline Palacios, 29-anyos, na residente ng Artamisa St. sa nasabing lugar.

Sa buy-bust, matagumpay na napabilhan ng dalawa ang posuer buyer ng PNP-PRO5 ng isang selyadong plastik na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu” katumbas ang halagang P 75,000.

Makaraan ang palitan ng item at bayad, nagbigay ng hudyat ang poseur buyer at hinuli ang mga suspek.

Nakumpiska rin mula sa dalawa ang isa pang pakete ng droga na may timbang na 125 gramo at nagkakahalaga ng P850,000.

Sa kabuoan, umabot sa 150 gramo ng shabu ang nasamsam na may tinatayang halaga na P1,020,000. VERLIN RUIZ