(P2.05/L sa diesel; P1.45/L sa gasolina) PETROLYO MAY BIG-TIME PRICE HIKE

MAY malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex) at Pilipinas Shell Petroleum Corp. na tataas ang presyo ng kada litro ng gasolina ng  P1.45, diesel ng P2.05, at kerosene ng P2.05.

Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Epektibo ang dagdag-presyo sa alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na may price increase sa alas-12 ng umaga at Cleanfuel sa alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.

Ito na ang ika-anim na sunod na linggong nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Sa loob ng anim na linggo, umabot na sa P5.65 ang iminahal ng kada litro ng diesel, P4.10 sa gasolina at P5.30 sa kerosene.

Comments are closed.