NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP) ang 323 kilos ng droga na tinatayang aabot sa P2.2 bilyon ang halaga.
Sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, ang mga drogang ay nakapaloob sa isang 1 X 40 container van (UASC) at dumating sa bansa noong pang nakaraang Pebrero ng taong kasalukuyang mula sa bansang Mexico.
Hinihinala ng isang customs insider na kasama ito sa nahuling drugs sa isang bodega sa Bulacan nitong nakaraang Linggo at ayon sa source nito na mayroon pang nakalusot iba container na kasalukuyang hinahabol ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Upang matukoy ang kinaroroonan ng mga container van ay ipinakalat ng NBI ang kanilang mga tauhan sa Northern Luzon partikular na sa La Union upang halughugin ang ibat-ibang lugar sa hilagang Luzon upang malaman ang pinatataguan ng mga ito.
Sa panig ng port users, maaaring may kasabwat na mga tiwaling BOC official na siyang namagitan o nag-facilitate upang mailabas sa bakuran ng BOC ang mga kontrabandong ito.
Dagdag na pahayag ng mga kritiko ng BOC na bukod sa mga tiwaling opisyal ng ahensiya, malaki din ang posibilidaad na mayroon din politikong nasa likod nito upang may magamit pambili ng boto sa darating na Mid-term election. FROILAN MORALLOS