P2.3-B FUEL SUBSIDY, NAIPAMAHAGI NG GOBYERNO SA 110,460 JEEPNEY DRIVERS

FUEL SUBSIDY-2

MAHIGIT sa 110,000 jeepney drivers ang nakatanggap na ng kanilang fuel subsidy cards, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

“To date, the government has distributed over 110,460 ‘Pantawid Pasada’ fuel subsidy cards to the operators and drivers, with each card loaded with P20,514.76 worth of fuel,” pahayag ng DOTr sa isang post sa kanilang Facebook page.

Katumbas ito ng kabuuang fuel subsidy na nagkakahalaga ng P2,266,060,389.60.

“Through the cards, drivers and operators can redeem the fuel subsidy at participating gas stations,” ayon sa DOTr.

Ang Pantawid Pasada program ay pinasimulan noong 2018 upang ma­ibsan ang epekto ng mas mataas na fuel excise tax dahil sa implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. Dahil dito, ang fuel subsidy ay pinopondohan din ng TRAIN law.

Sa kanilang post, sinabi ng DOTr na ang programa ay isang ‘highly effective subvention plan ng gobyerno’.

Nauna rito ay kinuwestiyon ng mga mambabatas ang umano’y mabagal na distribusyon ng cards kung saan noong Enero, nasa 70,000 ang naipamahagi, o wala pang kalahati ng 155,337 available cards at 42 percent lamang ng national target coverage ng mahigit sa 170,000 public utility jeepney units.

Ang mga ahensiya na may kinalaman sa pagpapatupad ng programa ay ang Department of Finance (DOF), DOTr, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Office of Transport Cooperatives, Department of Energy (DOE), Department of Budget and Management (DBM) , at ang Land Bank of the Philippines. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.