P2.3-B PONDO NG DSWD INILAAN SA SLP PROGRAM

Budget Secretary Benjamin Diokno

AABOT sa P2.3 bilyon ang ilalaang pondo ng pamahalaan para sa Sustainable Livelihood Program (SLP) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ang inihayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na ang programa ng pamahalaan na SLP ang siyang magbibigay ng tulong sa mga Filipino para mapanatili ang mapagkakakitaan.

Ani Diokno, ang inilaang pondo para sa programang SLP ay nakapaloob sa 2019 national budget sa ilalim ng P136.8 bilyong panukalang budget ng DSWD.

Aniya, sa pamamagitan ng SLP ay mabibigyan ng sapat na kaalaman at kakayahan ang mga sasailalim sa programa na siyang makapagbibigay ng mas mataas na posibilidad na magkatrabaho.

Binigyang-diin din pa nito, ang pagsusulong ng mga magagandang kondisyon para sa human capital development ay susi para magkaroon ng magandang socio-economic stability ang Filipinas.

Tinukoy pa ng Kalihim, ang halagang inilaan ng pamahalaan ay ibibigay sa mga kasama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ( 4Ps) lalo na ang transitioning families o patapos na sa 4Ps.

Nilinaw ni Diokno, ang programang SLP ay para hindi na bumalik sa status na mahirap o sa kahirapan ang mga nagsipag-tapos na sa 4Ps.

2 thoughts on “P2.3-B PONDO NG DSWD INILAAN SA SLP PROGRAM”

  1. 237102 870220The when I just read a weblog, Im hoping that this doesnt disappoint me approximately this one. Get real, Yes, it was my method to read, but When i thought youd have something interesting to state. All I hear is really a number of whining about something that you could fix should you werent too busy trying to discover attention. 199491

Comments are closed.