P2.3-B PONDO NG OVP APRUB SA SENADO

INAPRUBAHAN  na ng Senado nitong Lunes ang P2.3 bilyong pondo para sa Office of the Vice President.

Mayroong P500 milyon na confidential funds ang nasabing opisina ni Vice President Sara Duterte-Carpio.

“The budget of the Office of the Vice President is submitted,” ani Senate President Pro Tempore Loren Legarda.

Tanging si Senate Minority Leader Koko Pimentel ang kumwestiyon sa pondo para sa OVP.

Kinuwestiyon niya ang confidential funds at sinabing ipapatanggal ito sa “proper time.”
LIZA SORIANO