UMAABOT sa P2.3 milyong halaga ng droga ang nasabat sa 33-anyos na bisita sa New Bilibid Prison ng mga tauhan ng Inmate Visitation Service Unit (IVSU) ng Bureau of Correction (BUCOR) nang tangkaing ipuslit ang apat na transparent plastic bag ng shabu sa Maximum security compound, National Bilibid Prison, Muntinlupa City nitong Linggo ng hapon.
Kinilala ni Brig Gen Jimili Macaraeg, District Director, Southern Police District (SPD) na si Raquel Zuñiga y Artiaga, 33-anyos na residente ng Marasaga St., Tatalon, Quezon City.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng body searching ang mga tauhan ng Inmate Visitation Service Unit (IVSU) ng Bureau of Correction (BUCOR) sa lahat ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na bisita ng Maximum Security Compound, New Bilibid Prison na nagresulta sa pagkakaaresto kay Zuñiga nang nahuli sa kanyang possession ang apat na improvised white envelop na selyado ng scotch tape na naglalaman ng apat na piraso ng knot tied transparent plastic bag na naglalaman ng shabu na humigit-kumulang 350 gramo na may Standard Drug Price na ₱ 2,380,000.00.
Inihahanda na ang kaso o para sa Paglabag sa Section 11 Article II ng RA 9165 para sa pagsasampa sa Prosecutor’s Office laban sa suspek.
inabi ni Macaraeg na pinaigting ng SPD ang koordinasyon nito sa Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para hadlangan ang aktibidad ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison at iba pang detention cell at pasilidad.
Ipagpapatuloy natin ang ating pakikipagtulungan sa BJMP at BuCor para palakasin ang ating pagpupursige na pigilan ang lahat ng pagkakataon para sa mga trafficker na magpatuloy sa paglalako ng droga,” dagdag pa ni Macaraeg. EVELYN GARCIA