MAGKAKAROON ng malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula sa alas-6 ng umaga ng Martes, Setyembre 24.
Sa abiso ng Shell at Petro Gazz, P2.35 ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina at P1.80 sa kada litro ng diesel.
Nauna nang nag-anunsiyo ang Petro Gazz ng katulad na price hike, habang ang iba ay wala pang abiso.
Sa pinakabagong datos mula sa Department of Energy (DOE), hanggang noong Seyembre 17, ang year-to-date adjustments ay umabot na sa P5.51 kada litro para sa gasolina, P4.02 sa diesel, at P2.01 sa kerosene.
Inihayag ng DOE noong nakaraang linggo na may sapat pang suplay ng langis para sa local demand ang bansa, subalit maaaring sumipa ang presyo nito kasunod ng mga pag-atake sa oil facilities ng Saudi Arabia
“Ang inventory natin, andiyan eh. We don’t see the problem of supply. Ang problema dito is ‘yung impact on the price,” ani Energy Secretary Alfonso Cusi.
Comments are closed.