P2.4 BILYON IBUBUHOS SA ‘HERITAGE SCHOOLS RESTORATION PROJECT’

Rep Eduardo Gullas

MAY P384 milyon na pondo ang Department of Education (DepEd) na gagamitin nito para sa rehabilitasyon ng mga makasaysayang pampublikong paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa susunod na taon.

Bukod dito, sa kasalukuyan ay nasa P2.06 bilyon ang budget ng natu­rang ahensiya para sa ‘he­ritage schools conservation and restoration works’ nito,  kabilang ang tinaguriang ‘Gabaldon school houses’.

Ito ang ipinabatid ni House Committee on Land Use Chairman at 1st Dist. Cebu Rep. Eddie Gullas, na isa ring educator at miyembro ng House Committee on Appropriations, kung kaya sa kabuuan, aniya, ay nasa P2.4 bilyon ang gagastusin ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapanatiling nagagamit ng kabataang Filipino ang pamanang mga silid-aralan.

Ayon sa Cebu province congressman, sa kabuuan ay umaabot sa 1,800 ang bilang ng tinatawag na ‘Gabaldon school blocks’, at 140 dito ay matatagpuan sa kanilang lalawigan.

“Many of the remaining Gabaldon school structures were built during the early years of American colonization, and are now well over a century old. They were constructed under what was basically the country’s first public school building program,” sabi pa ni Gullas.

Bilang miyembro ng 1907 Philippine Assembly, isinulong noon ni Isauro Gabaldon ang paglalaan ng P1 milyon para sa konstruksiyon ng’ school houses’ sa mga baryo gamit ang matitibay na materyales.

“Gabaldon school houses were built based on a standard design developed by William Parsons, a consulting architect to the United States govern-ment from 1905 to 1914.  Parsons was a protégé of Daniel Burnham, who created the first masterplans for the urban development of the cities of Ma-nila, Baguio, Chicago and downtown Washington, D.C.,” dagdag ni Gullas.

Kaya naman dapat lamang aniyang mapanga­lagaan ang nasabing mga eskuwelahan at pinapurihan niya si Presidente Duterte sa pagsasabatas ng Republic Act 11194 na nag-aatas para sa ‘conservation and restoration’ ng Gabaldon school buildings.

“Our Gabaldon school houses are valuable cultural assets that hold pieces of our history and we need to safeguard these heritage school structures to remind future generations of Filipinos of the grandeur and aesthetic splendor of the architectural designs of the past,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng nabanggit na batas, matapos na matukoy ng DepEd ang lehitimong Gabaldon school buildings ay pamamahalaan nito ang pagpapaayos at panga­ngalaga sa naturang mga istruktura, katuwang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ang National Historical Commis-sion (NHC) at ang National Museum.           ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.