P2.4 M MARIJUANA NASABAT SA 2 TOURIST COURIERS

Marijuana kush

BENGUET – KALABOSO ang binagsakan ng dalawang turistang Caviteño makaraang makumpiskahan ng P2.4 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa inilatag na police checkpoint sa national highway na sakop ng Sitio Betwag, Brgy. Caponga sa bayan ng Tublay ng lalawigang ito noong Biyernes ng hapon.

Isinailalim sa tactical interrogation at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 ang mga suspek na sina Jevie Malipot Pabia, 34-anyos ng Brgy Zone 4 at Rommel Manuel Barrientos, 39-anyos ng Summer Wind 3 Subd., Brgy. Salitran 3 ng Dasmarinas City, Cavite.

Base sa police report,  nadiskubre ng Benguet policemen katuwang ang PDEA-Benguet agents ang kontrabando sa loob ng passenger van matapos pahintuin sa quarantine checkpoint sa nasabing lugar.

Nabatid na nanggaling ang mga suspek sa bayan ng Bauko, Mt. Province kung saan sinasabing turista subalit nakalagay sa travel authority na pinapayagan lamang sila na bumiyahe sa LaTrinidad, Benguet .

Ayon kay Cordillera Police Director Brig. Gen. RWin Pagkalinawan, lihim na itinago ni Barrientos ang kontrabando sa itim na garbage bag at inilagay sa likurang upuan ng van kaya sila pinababa ng pulisya.

Ginamit ng pulisya at PDEA ang drug sniffing dog kaya nadiskubre ang 20 tubular form na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana. MHAR BASCO

Comments are closed.